Verse 1:
Kay lakas ng kabog ng pusong ito,
Sa tuwing ika'y nakikita,
Ngiti mong kayganda,
Tumutunaw sa aking puso,
Araw ay gumaganda,
Alaala ang kagwapuhan mo,
Hmmm... hmmm...
La la la la la la....
Ahhhh... Ahhhh...
Verse 2:
Mga kaibigan ko'y pansin na din,
Ang aking nadarama para sayo,
Sa tuwing ika'y nariyan,
Napapansin mo rin ba?
Ang kabang nadarama,
Sana nama'y mapansin mo,
May pag-asa kaya?
Ang isang tulad ko sa iyo,
Ohhh... ohhh...
Pre-Chorus:
Sila'y nagbibiro sabihin ko na sa iyo,
Ngunit bakit kayhirap gawin?
Kantyaw nila paano kung ganun din daw ang iyong nadarama?
Ngunit paano kung hindi?
Abot-langit ang takot na nadarama,
Halu-halo na ang nasa isipan,
Ohhh... Hmmmm...
Chorus:
Maglalakas loob ba o hindi?
Lalapit ba o hindi?
Aaminin ba o hindi?
Hindi na malaman ang gagawin,
Kung pansin mo lang din naman,
At ganun din ang iyong nadarama,
Sana'y ikaw na ang unang umamin,
'Pagkat abot-langit ang takot na nadarama,
Pakiusap sana'y ikaw na lang,
Sana'y ikaw na lang, ikaw na lang,
Verse 3:
Sasabog na ang aking dibdib sa takot,
Kung ganun din ba ang nadarama mo o hindi,
Natatakot na baka ay hindi,
Paano kung hindi?
At baka may mahal ka ng iba
(Repeat Pre-Chorus and Chorus)
Outro:
Pasensya na kung puso ay naduduwag,
Pasensya na kung hindi ko kayang aminin sa iyo,
Ngunit sana'y tandaan mo,
Kailanman ay hinding-hindi ito magbabago,
Ako'y maghihintay lang,
Kung tayo ay tayo talaga,
Sana'y Ikaw na lang nilaan para sa akin,
Mahal kita... hmmmm...
Comments
No comments yet.