Verse 1
Ikaw pa ba?
Taong aking minahal
Hindi ko na makita sa iyo ngayon
Ligaya sa iyong mga mata
Mga pangakong ako lang
Ako lang ang mamahalin
Ako lang palagi ang iyong sasamahan
Hinahanap-hanap ang iyong mga pangako
Hinahanap-hanap mga panahong kaysaya
Verse 2
Lagi na lamang nagtatanong
Lagi na lamang nasasaktan
Umiiyak na lamang sa isang sulok buong magdamag
Ikaw ay biglang nagbago
At may bago ka na din pala
Wala man lang akong kaalam-alam
At heto ako ngayo't nag-iisa
Umiiyak habang pinagmamasdan
Ang ating mga larawang puno ng ngiti at saya
Chorus
Nasaan na ang iyong mga pangakong
Kailan man ay 'di ako sasaktan
Ang iyong pangakong
Hinding-hindi ako iiwan
Ang iyong pangakong
Hindi ako papaluhain
Ang iyong pangakong
Hinding-hindi ka hahanap ng iba
Ang iyong pangakong ako lang
Bakit lahat ay napako at nakalimutang parang bula?
Ibinaon ang lahat sa limot
Verse 3
Lahat ay ibinigay sa'yo
Minahal ka nang buong-buo
Minahal ka nang walang hinihinging kapalit
Dinamayan ka sa madilim na buhay mo
Ikaw ay nagpadala sa tukso
At humanap ng iba
Kaysakit isipin, gano'n lang pala kadali
Sinira mo lahat ng iyong mga pangako
Chorus
Nasaan na ang iyong mga pangakong
Kailan man ay 'di ako sasaktan
Ang iyong pangakong
Hinding-hindi ako iiwan
Ang iyong pangakong
Hindi ako papaluhain
Ang iyong pangakong
Hinding-hindi ka hahanap ng iba
Ang iyong pangakong ako lang
Bakit lahat ay napako at nakalimutang parang bula?
At ibinaon ang lahat sa limot
Pre-Outro
Nagmahal at nagtiwala sa'yo
Ngunit ito'y sinira mo lang
Ako'y hindi pa din naging sapat para sa'yo
Ohhhh, ohhhh
Outro
Pinaasa at sasaktan mo lang pala ako
Sana'y maging masaya ka sa iyong nagawa sa'kin
Malaya ka na ngayon
Wala ka nang babalikan pang ako
Pangako mong iyong pinako lamang
Comments
No comments yet.